Bakit kay pangit ng kay ganda

TAPOS na ang boksing, sumuko na ang pasimuno ng lahat at nagbunyi ang sangkatauhan.

Ang dismayado lamang marahil e si Vice Ganda. O baka hindi rin. Mahirap nga rin naman kung mapupunta kay Ganda ang Pilipinas, malaking sakit ng ulo.

Ang totoo niyan, wala namang kumokontra na maganda ang Pinas. Sobra naman talaga ang ganda nito at walang hindi nagmamahal dito – kahit na ‘yung mga kawatan sa gobyerno.

E bakit sobrang dami ng nagreklamo nang tangkain ng Department of Tourism na maglunsad ng kampanya sa islogan na “Pilipinas Kay Ganda”? Bakit gustong sakalin ng lahat na yata ng Pinoy ang mga nag-isip ng islogan?

Unang-una, kay pangit naman talaga ng islogan kung ikukumpara sa mga kapitbahay natin gaya ng Malaysia Truly Asia; Incredible Hulk, este, Incredible India; Amazing Spiderman, este, Amazing Thailand; atbpa.

Weno ngayon kung parang comic superhero ang tunog ng mga islogan nila? Click naman at madaling tandaan.

E kung gumaya kaya tayo sa kanila at sundin ang superhero tags? Hmmm. Fantastic Filipinas (ala Fantastic Four) o kaya Invincible Philippines (Invincible Iron Man), Mighty Philippines (Mighty Thor) o Uncanny Philippines (Uncanny X-Men), atbpa. O di ba? Cool.

Gusto ng marami na bumalik na lang daw tayo sa “Wow Philippines.” Pero paliwanag ng DOT e para lang daw yun sa domestic tourism. Iba-iba raw ang islogan na gamit sa labas ng bansa. Halimbawa sa Hapon,

“Philippines Premium Resorts Islands” daw ito. Sa Korea “7,107 More Than You Can Imagine,” sa Australia
“The Philippines So Much, So Near” at sa Inglatera “The Philippines: Culture, Adventure, Nature.”

Ang “Pilipinas Kay Ganda” nga raw sana ang magiging pangkalahatang islogan sa loob at labas ng bansa.
Kaso nga, hindi ito tayp ng Pinoy at katakut-takot na batikos ang inabot nito. Nakadagdag pa sa reklamo ang perang ginastos para dito na umabot sa halos P5 milyon. Opo, ganun kalaking halaga para testingin lang kung matatanggap natin ang islogang naisip nila.

At hindi raw totoong naisip nila ito nang minsan silang manood ng telebisyon isang umaga at nakita nila ang “Umagang Kay Ganda” sa Channel 2. Hindi rin daw totoong may nakapanood sa kanila ng programang “Pilipinas Win na Win” sa Channel 2 rin at pinagsama nila ang dalawang programa kaya lumabas ang islogan na “Pilipinas Kay Ganda.” Masyadong kumplikado ‘yun.

Ang totoo niyan e tumingin lang sila sa paligid at nakumbinsi sila agad na kay ganda nga ng Pinas.

Sino ang magsasabing pangit ang Pinas? Kahit pumunta ka sa tambakan ng basura o iskwater, este, informal settlement, may makikita ka pa ring magaganda. Mababait ang mga tao, dadalhin ka sa ospital kapag naaksidente at iaabot ang bayad mo sa drayber kung nasa dulo ka ng dyip. Magagalang ang mga pulis, babatiin ka muna ng “Gud morning sir” bago kotongan. Konti lang ang kidnapper at “riding in tandem”

kumpara sa populasyon. At higit sa lahat, tutulungan kang umakyat sa bubong kapag lumubog ang bahay mo sa baha. Hernan Melencio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply