Balasahan iniumang sa tamad na pulis

INIHAHANDA  na ang pagre-shuffle sa mga tamad na opisyal ng Manila Police District  sa oras na maging direktor  si Chief Supt. Roberto Rongavilla.

Ito ang tiniyak kahapon ng naturang opisyal matapos na tanungin ng mga mamamahayag kung magpapatupad ng balasahan sa sandaling  maging opisyal na ng nasabing posisyon.

Nabatid na posibleng ilabas na ngayon ang order mula sa Camp Crame para maging permanente na sa kanyang posisyon si Rongavilla.

Tiniyak din, na patuloy na mamanmanan ang tatlong vital installation sa Maynila sa kabila ng wala naman talagang umiiral na “terror threat” sa lungsod.

Ayon kay Rongavilla  magpapatupad ng mga chokepoint ang MPD sa mga boundaries ng Maynila upang makasiguro sa seguridad  at matiyak  na hindi makalulusot sa mga awtoridad ang  mga masasamang elemento. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply