Balasahan sa BJMP isasagawa

NAKATAKDANG magpatupad ng balasahan sa mga opisyal at empleado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bago matapos ang taon.

Ayon kay BJMP Director Rosendo Dial, inaprubahan na ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang rigodon  at apektado ang 17 regional director, jail warden at directorial staff.

Layon umano ng balahasan ang mga opisyal, warden at personnel na nakapagsilbi na ng mahigit 20 taon sa pwesto.

Dagdag pa ni Dial na ibabase ang balasahan sa kwalipikasyon at kakayahan ng kanilang mga opisyal at tauhan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply