Balik normal na naman

BALIK sa normal na naman ang takbo ng buhay. Tapos na mahabang pamamahinga ng mga estudyante at mga empleyado dahil sa nakaraang Undas.

Ngayon nga, ratsadahan na ulit at sigurado ang paninikip ng daloy ng trapiko.

Lalo pa nga’t mula kahapon hanggang ngayon, siguradong siksikan ang mga terminal ng bus dahil nagbabalikan na ang mga tao sa kani-kanilang tahanan.

Kaya nga minabuti na nating itapat mismo sa Araw ng mga Patay ang ating pagbabalik kesa makipagsiksikan pa. Tayo rin naman ang mahihirapan at mapeperwisyo.

Sinisuguro rin natin, balik normal na naman ang mga tinamaan ng magaling na mga iligalista.

Buhay na naman ang mga putatsing na naghambalang sa kahabaan ng Aurora Blvd., sa Cubao saka sa Quezon Avenue dahil back in business na naman ang mga lintek!

Gayun din, kahit nga ipinahihinto ang lahat ng mga iligal na pasugalan sa bansa at pamamahinga dahil sa Araw ng Undas, hindi rin nagpapigil itong si video karera king Rey Recto ng Valenzuela City.

Patuloy ang pag-ooperate ng kanyang mala-demonyong makina, hindi lang sa Valenzuela kundi sa buong CAMANAVA area.

Huwag nga tayong lokohin ng mga awtoridad diyan na nagsasabi na walang operasyon ng VK sa nasabing mga erya gayung alam ng lahat na hindi ito tumitigil.

Papaano nga kasi, malaki ang intelihensiya na ipinadadala sa kanila ni Recto kaya hindi siya mabangga-bangga.

Sayang nga naman kung hindi ito kukunin. Grasya na nga raw ay tatanggihan pa!

Ito ay diretsahang pambabastos ng mga tulisan, este…kapulisan pala kay Pangulong Noynoy Aquino.

Balewala sa kanilang utos ni P-noy basta lang kumamal ng salpi!

Ang kakapal ng mukha ng mga pulis CAMANAVA! Sa halip na sila ang manghuli, sila pa ang nagbibigay ng proteksiyon sa mg ailigalista na tulad ni REY RECTO!

Kakahiya kayo! PWE!

BASURA SA UNDAS PINALILINIS

Pinalilinis sa Environmental Sanitation Services (ESS) ang mga basurang ikinalat ng mga residente na nagtungo sa iba’t-ibang libingan sa buong lungsod upang hindi ito makapinsala sa kapaligiran.

Direktang inatasan si ESS Chief Alfonso Sta. Maria upang tiyakin na walang kalat na matitira sa paligid ng mga sementeryo na matatagpuan sa Lungsod ng Caloocan .

Hindi maiwasan ang pagkakaroon ng basura sa iba’t ibang sementeryo dahil sa dami ng mga residenteng nagpunta sa kanilang mga mahal na yumao kaya agad ipinag-utos ang pagpapalinis sa mga naiwang dumi.

Ang aksiyon ay tugon sa panawagan na panatilihin ang kalinisan sa lahat ng lugar upang makatulong sa patuloy na pagpapalit ng panahon dulot ng “global warming”.

Napag-alaman na ngayon taon ito ay bumaba ang bilang ng mga naarestong residente dahil sa pagdadala ng mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo tulad ng pagbitbit ng armas, alak, stereo at iba pa.

Binabati naman natin ang kapatid ko na si Divina Gracia Mercado Pajaron-Cruz sa kanyang b’day noong Nov. 1, Araw ng mga Patay! Isinilang si Inday. Belated happy b’day, tol!

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid ay maaari kayong tumawag o mag-text sa CP#09213813053 p mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply