Balintawak Market pagagandahin ng QC

BIBIHISAN ng Lungsod Quezon ang palengke sa Balintawak, sa Quezon City na kilala sa karumihan at di gaanong magandang kalidad ng mga produktong inilalako.

Ito ang plano ngayon ni Mayor Herbert M. Bautista na gawing dekalidad na distribution center ng mga produktong agrikultural ang Balintawak na ngayon ay tinitirikan ng may pitong palengke.

Anang alkalde sa pakikipagpulong niya sa mga may-ari ng palengke sa Balintawak, kailangang muling bigyang-buhay at pagandahin pa ang lugar para maging pangunahing bagsakan at bentahan ng mga dekalidad na karne at iba pang produktong agrikultura.

Kasabay nito, nararapat din na magkaroon ang Balintawak ng cold storage facilities, temperature-controlled warehouses, modernong abattoir at mekanismo para sa pagkontrol ng sanitasyon.

“Unless the development is comprehensive and integrated, the Balintawak-Cloverleaf area will continue to be pockets of blight,” ayon kay Bautista.

Sa bisyon ni Bautista at ng pamahalaang lungsod, gagawing QC Regional Food Exchange ang naturang lugar. Ito ay isang malaki, organisado at pinagsama-samang palengke na makakapag-operate 24 oras sa loob ng pitong araw sa loob ng isang linggo.

Naniniwala si Bautista na sakaling maipatupad ang transpormasyon ng Balintawak markets, malaki ang maiaambag nito sa pagbuti ng ekonomiya ng siyudad.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply