Bamboo Organ festival

MAITUTURING na isang kayamanan ng bansang Pilipinas ang musikang likha sa kawayan.

Ang Bamboo Organ na tinaguriang national treasure ay nilikha noong taong 1816 at 1824 para sa Parish Church ng Las Piñas-isang barangay may layong siyam na milya sa sentro ng Manila.

Taon-taon, dinudumog ng mga bumibisitang dayuhan at Kababayang Pilipino ang Bamboo Organ upang marinig ang kahali-halina at kamangha-manghang himig nito mula sa ihip ng kawayan.

Dahil sa kakaibang piyesang ginamit, ang bamboo organ ay itinuturing na  maselang instrumento sa classic Spanish style at karamihan sa world’s best-known organist ay nawiwili itong patugtugin.

Ang kakaibang instrumento na may maikling pull-down pedal-board ay nabuo sa malikhaing kaisipan ni Fr. Diego Cera de la Virgen del Carmen para sa simbahan ng Las Piñas

Batay sa record si Fr. Diego Cera ay pinagpala bilang natural scientist, chemist, architect, community leader at organist.

Ang ginamit na kawayan ay inalagaan upang hindi sirain ng mga ipis at iwasan ng mga daga at iba pang mga insekto na sumisira sa ganitong materyales.

Ginagamit ang bamboo organ tuwing nagmi-misa sa simbahan na umaakit sa church goers na umaagapay sa awit ng choir sa simbahan.

Ang bamboo organ ay nakalilikha ng tunog o gayahin ang huni ng umaawit na ibon at ibang himig mula sa trumpet, baritone, at iba pang musical instrument.

Sa paglipas ng maraming taon, ang instrumento ay napinsala dahil sa pagyanig ng lindol, bagyo ay iba pang kalamidad.

Noong 1973, minabuti ni Fr. Cera na ipakumpuni ang organo at dinala ang instrumento sa Johannes Klais organ factory upang mabawi ang ganda at halina ng bamboo organ.

Matapos ang dalawang taon, naibalik sa dating himig ang bamboo organ at naging  sentro ng atensiyon sa taunang international musical festival.

Sinimulan ni Armando Salarza ang pagtipa sa bamboo organ noong siya ay 7-taong gulang pa lamang. Siya ay isa na ngayong international concert organist at kinilala bilang Titular Organist ng Bamboo Organ sa Las Piñas.

Nagsimula si Salarza ng piano lesson sa ilalim ng Donna Ofrasio at Wolf Oehms sa pagtuturo sa musika ni Amador Hernandez.

Sinimulan ni Salarza ang pagtatanghal sa publiko sa edad na onse anyos (11) at hindi naglaon siya ay itinanghal na pinaka-batang finalist sa National Music Competition for Young Artist (NAMCYA) piano competition.

Pinalawig pa ni Salarza ang kanyang kaalaman sa pagtugtog sa pagtuturo ni Fr. Manuel Maramba, OSB.

Sa edad na 14 anyos, si Salarza ay naging official accompanist ng Las Piñas Boys Choir.

Lumawig pa ang kaalaman ni Salarza sa larangan ng musika hanggang sa nagtapos siya noong taong 1986 at umani ng parangal sa Autrian Federal Ministry of Science and Research

Kinilala si Salarza sa buong mundo bilang premier concert organist at nagtanghal sa Austria , Germany, Belgium , Switzerland , Czech Republic , Poland , Finland at United States of America.

Mula pa noong 1984 si Salarza ay regular na nagtatanghal sa annual International Bamboo Organ Festival sa bansa. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply