Banal sasanayin sa USA

IPAPADALA ng mga handlers ni AJ Banal ang nasabing young prospect upang doon sanayin sa paniwalang kulang pa ito sa training para sumabak sa mga malalaking laban.

Ayon kay Michael Aldeguer, manager ni Banal, kakausapin nila ang Top Rank na siyang mag-aasikaso rito.

Nagpahayag na umano si Big Boss Bob Arum ng interes sa 21-year-old Cebuano at planong ihanay ito sa Top Rank event.

Matatandaang dinurog ni Banal si two-division world champion Luis Alberto Perez nitong Sabado sa pamamagitan ng disqualification matapos bumato ng illegal punch ang dayuhang boksingero habang inaawat ng reperi.

“Ipadadala namin si Banal sa US para maka-spar ang magkakaibang partners.  21 taong gulang lang si Banal.
Mas maraming karanasan ang kanyang makukuha, mas maganda. Makakalimutan ng mga tao na siya’y 21 lamang dahil sa kanyang skills,” ayon kay Aldeguer.

Samantala, humanga din ito sa performance ni Mark Jason Melligen na siyang nagdemolis kay Mexican Bladimir Hernandez sa third round sa pamamagitan ng malakas na sapak sa bodega. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply