Bangkay ng binatang nahulog sa bangka natagpuan na

NATAGPUAN na ng Philippine Coast Guard ang bangkay ng isang binata makaraang malunod sa lawa matapos mahulog sa sinasakyang bangka habang kasama ang kasintahan, sa Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Leonel Roda, 17, binata, ng Brgy. Baritan, ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Chief Insp. Realito Esperida, dakong 5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa lawa ng Lambingan na nasasakop ng Brgy. San Agustin.

Sa salaysay ni Maria Cathrina de Leon, 17, girlfriend ng biktima,  namamasyal sila ng biktima at nagpapahangin sa lawa sakay ng isang bangka  nang biglang tumagilid ang sasakyan na naging dahilan nang pagkahulog ng biktima sa tubig. Ilang minuto na ang lumipas ay hindi na lumutang ang kasintahan.

Napag-alaman na bukod sa pagtagilid ng sinasakyan ay meron pala itong maliit na butas. Jun Samson/Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply