Bangkay ng dalaga natagpuan

Tadtad ng saksak sa katawan ang natagpuang bangkay ng isang babae na hinihinala na matinding galit ang ibinunga nang pamamaslang sa Quezon City.

Ang biktima ay isinalarawan  ni Supt. Ramon Mauleon Perez  nasa edad 17, katamtaman ang pangangatawan, maigsi ang buhok, nasa lima hanggang  5’2 ang taas, maputi, nakaitim na damit, puting short at tsinelas na kulay orange.

Sa ulat ng pulisya, ang biktima ay natagpuan na nakahandusay at tadtad ng tama ng saksak sa katawan sa bangketa malapit sa isang kapilya ng De Jesus cmpd., Brgy. San Agustin, pasado alas 3:45 ng madaling araw.

Ayon sa security guard na si Elmo Borre, kanyang napansin ang isang tao na nakahiga sa bangketa at nang lapitan sa akalang  lasing lamang, doon niya napagtanto ang duguang biktima na wala ng buhay.

Dahil dito, agad niyang ipinagbigay alam ang nasaksihan  sa  himpilan ng pulisya.

Ayon sa mga residente ng lugar, ang biktima ay kawangis ng tomboy na si Abigail Lacdao, subalit nang ipinatawag upang kumpirmahin ay nalaman na buhay pa ang nasabing kamukha.

Patuloy sa pagsisiyasat ang pulisya upang mabatid ang tunay na pagkakilanlan at motibo nang pagpatay sa biktima.

Kamakailan ay dalawang magkapatid na binatilyo na nakilalang sina Von Jorel de Jesus at John Zeus de Jesus ang tinangkang patayin ng isang suspek na kilala sa pangalang Mark Anthony Herbes alias “Mato”.

Habang pauwi  sa bahay ang magkapatid at matapat sa kinaroroonan ng suspek na lango sa ipinagbabawal na gamot ay agad nitong pinaputukan ng sumpak ang mga biktima.

Bagaman sinampahan na ng pamilya ng biktima ang kaukulang reklamo laban sa suspek, patuloy pa rin itong gumagala. (James de Jesus)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply