Bangkay ng lalaki nagpalutang-lutang sa Tullahan river

ISANG bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang nakitang nagpapalutang-lutang sa ilog na hinihinalang biktima ng summary execution sa Malabon City.

Tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 ang biktima, may taas na 5’3”, medium built, naka-puting t-shirt at itim na short at may tama ng bala sa ulo.

Base sa nakalap na inpormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon-PNP, dakong 10:00 a.m nang makitang palutang-lutang ang katawan ng biktima sa Tullahan River sa Potrero ng naturang lungsod.

Kaagad na itinawag ng mga nakasaksi sa mga awtoridad ang naturang pangayayari at nang respondehan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na may sugat sa ulo ang biktima.

Agad na dinala sa Umipig Funeral Services kung saan nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis sa nasabing insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply