Banta ng terorismo iimbestigahan ng Kongreso

DALAWANG komite sa Kamara ang kinalampag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone upang magsagawa ng imbestigasyon ukol sa kahandaan ng gobyerno na tumugon sa alinmang pag-atake ng terorismo sa bansa.

Ngayong araw ay nakatakdang ihain ni Evardone ang isang resolusyon na nagsusulong sa House committee on public order and safety at sa committee on national Defense na alamin sa pamamagitan ng imbestigasyon kung gaano kahanda ang gobyerno sa anumang mga pag-atake at kung may sapat na kagamitan at tapatan ang “weapons of mass destruction” kabilang ang “biochemical” gadgets.

“Do we now actually even have a plan of action against any planned terrorist attacks in our country? We have to be ready now?  Such rash of violent incidents have increasingly elicited public anxiety and perception of “instability, anarchy and chaos,” giit ni Evardone.

Tinukoy pa ng mambabatas ang mga insidente ng hostage-taking sa Luneta at ang pambobomba sa isang bus sa North Cotabato na aniya’y hindi na dapat pang maulit. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply