Banta ng terorismo imbento lang – Nur

ANG gobyerno din ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga dokumento kaugnay sa bantang pag-atake ng mga terorista sa Mindanao at Metro Manila.

Ito ang ginawang akusasyon kahapon ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Nur Misuari sa administrasyong Aquino sa ginanap na Lingguhang Balitaan sa Serye.

Iginiit ni Misuari na gawa-gawa lang ito ng gobyerno para takutin ang publiko.

Karaniwan na aniyang pinalulutang ang mga ganitong isyu ng gobyerno kapag hindi matatag ang isang administrasyon.

Tiniyak din ni Misuari na wala siyang nakikitang anumang palatandaan ng terror activities lalo na sa Mindanao dahil wala na aniya ang mga grupong naghahasik ng karahasan gaya ng Abu Sayyaf.

Kaugnay nito ay nagpahayag na rin ng kahandaan ang San Juan matapos mag-leak ang intelligence information na ang target ng mga pag-atake ay ang San Juan.

Tiniyak ni San Juan Rep. JV Ejercito na nagpasimula na silang magpatupad ng mahigpit na seguridad sa loob at labas ng San Juan upang mapigilan ang anumang tangkang pag-atake.

Nag-deploy na rin aniya ng mga karagdagang K-9 units sa mga matataong lugar sa siyudad gaya ng Greenhills na dinarayo ng mga turista. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply