Barrera reresbak sa Dec. 11

MULING sasampa ng ring si dating 3 divisional world champion Marco Antonio Barrera (66-7, 43 KOs) ng Mexico sa December 11 sa kanyang bayan.

Sasagupain ni Barrera si Likar Ramos (23-3, 17 KOs) ng Colombia sa itinakdang 12 round bout para sa WBO intercontinental title.

Si Ramos ay dating WBA super featherweight interim champion at nasa ilalim ng promosyong Juan Carlos Devia/Pro Box Del Caribe ng Colombia.

Nangako naman si Barrera na bibigyan niya ng kasiyahan ang mga tao.

Aniya, babawi siya sa mga dating kabiguan niya at sa mga susunod na araw ay babangon siya para sa bandila ng Mehiko.

Matatandaan na si Barrera ay isa sa mga naging biktima ni world’s pound-for-pound king Manny Pacquiao na tinaguriang ‘Mexican Assassin.’ Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply