Basurero na bumisita sa kaibigan tinodas

NAMATAY ang isang basurero makaraang barilin ng isang hindi nakilalang salarin habang naglalakad patungo sa bahay ng kaibigan, sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktima na si  Marco Redito, 28, binata, garbage collector, ng Litex Rd. Bayanihan st., Brgy. Commonwealth at natagpuang patay sa nasabing lugar.

Base sa  pagsisiyasat ni P02 Norlan Margallo, pasado 1:15 ng madaling-araw nang  mangyari ang pamamaril ilang metro malapit  sa bahay ng biktima.

Ayon sa  live-in partner  ng biktima na si Lady Fair Ninada, bago siya umalis ay humingi pa nga ng pahintulot ito sa kanya upang bisitahin ang mga kaibigan.

Makalipas ang ilang minuto, nakarinig nang sunud-sunod na putok ng baril si Ninada at nang kanyang labasin ay tumambad sa harapan niya ang naghihingalong biktima na may tama ng bala sa dibdib.

Dahil dito, agad na ipinagbigay alam sa pulisya ang buong pangyayari.

Nang tanungin ng mga awtoridad si Ninada kung may nakagalit ang biktima ay wala naman itong natatandaan na nakasagutan o nakagalit ni Redito bago paslangin.

Naging malaking katanungan sa mga imbestigador ang natuklasang papel na nakapatong sa ibabaw ng bangkay ng biktima na may nakasulat na “holdaper ako “.

Ayon sa pulisya, marahil isa itong paraan upang iligaw ang imbestigasyon at palabasin na isang summary execution ang naganap.

Naniniwala ang awtoridad na maaaring kilala ng ilang residente sa lugar ang suspek subalit tikom lang ang bibig ng mga ito at pinili na manahimik na lang upang hindi na madamay sa gulo. James de Jesus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply