Bata ni PNoy laglag sa CA

Nagbanta kahapon ang isang senador na haharangin nito ang nominasyon ng isang pari bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) kapag isinalang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na hindi maaaring maitalaga bilang kalihim ng DepEd si Bro. Armin Luistro dahil may salungat na interes sa kanyang tungkulin at miyembro ang opisyal ng Catholic church.

“Miyembro siya ng Catholic church kaya nakatakda siyang sumuporta sa opisyal na posisyon ng Simbahan laban sa panukalang Reproductive Health Act na aking inihain sa Senado,” ayon kay Santiago.

Ipinarating ni Santiago ang kanyang pagtutol sa nominasyon ni Luistro sa DepEd sa pamamagitan ng isang liham kay Sen. Edgardo Angara, chairman ng komite ng CA sa edukasyon.

Ngunit, sinabi naman ni Luistro sa panayam na nakahanda siyang harapin ang anumang pagtutol ni Santiago kahit magpadala umano siya ng opisyal na posisyon hinggil sa RH Bill sa Senate committee on health.

“I think I was clear about it that my position is to really participate in dialogue and hopefully arriving at consensus as what the President (Benigno Aquino III) said. It’s too early for the department to come up with a position on RH bill,” ani Luistro sa media.

Nakatakda niyang tugunan ang akusasyon ni Santiago sa susunod na pagdinig ng CA committee na itinakda sa Miyerkules. Inakusahan din ni Santiago si Luistro ng gross ignorance of the law matapos salungatin ng naturang kalihim ang isang imbitasyon sa senador na magturo ng political science sa Dela Salle University.  (Ernie Reyes)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply