Batangas nilindol

NIYANIG ng magnitude-3.2 na lindol ang Batangas province bago mananghalian nang Lunes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), naitala ang naturang pagyanig bandang  10:56 a.m. na may epicenter apat na kilometro sa Southwest ng Lemery town.

Base pa sa report ng Philvolcs, ang naturang pagyanig ay tectonic at naitala ang  Intensity II sa Ilijan village sa Batangas City.

Kaugnay nito, wala namang naitalang nasira ng naturang lindol. Inaasahan naman ang mga aftershocks matapos ang lindol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply