Bb. Pilipinas U 2009 Bianca Manalo, kinikilig kay Piolo Pascual

Pasok sa banga si Bianca Manalo sa pamamayagpag sa ratings ng first solo-starrer serye niya sa hapon na “Juanita Banana”. Sa pilit week pa lang last week ay mataas na agad ang ratings nito kaya naman super-thankful ang BB. Pilipinas-Universe 2009.

Kuwento niya kung gaano ka-proud ang magulang niya sa kanya at sa pamilya niya raw naman talaga sine-share ang kanyang success.

“Siyempre, ‘yung daddy ko, very happy and very proud din, hindi ‘yun nagsasalita pero minsan siya nagsalita at umiyak ako. Sabi niya na very rare na nga ang magkaroon ng anak ng beauty queen, dalawang anak pa kaya niya. Eh tapos ngayon, ‘yung isa pa niyang anak, nasa ganitong industriya pa, so, napakasaya po talaga niya. Kapag lumalabas kami, sinasabi niya sa mga tao, ‘o ayan, kasama ko ‘yung Juanita Banana ko’, ‘yun na ang tawag niya sa akin. Dati, siya raw ang father of Miss World, tapos nadagdagan, father of Miss World and Miss Universe. O ngayon, ako na si Juanita Banana,”  paglalahad ni Bianca.

Kumusta naman ang love life niya?

“Wala po akong love life, eh,”  mabilis niyang sagot .

Walang nanliligaw?

“’Yan ang nakakatawa, kasi, di ba, single? Pero walang nanliligaw, ewan ko, nai-intimidate yata sa akin kasi beauty queen.”

Nalulungkot siya?

“Oo, nakakalungkot na di ba parang… pag iniisip nila, sa ganda mong ‘yan, walang nanliligaw? Wala talaga,” she said.

Pero meron din daw siyang showbiz crush at ito ay walang iba kundi si Piolo Pascual.

“Pero sinasabi nila, ang baduy naman. Bakit daw si Piolo na naman, lahat na lang daw kami, si Piolo (ang crush). Eh siya talaga, eh. Kasi nakakakakilig talaga ‘yung mukha niya, eh. Hindi kasi di ba, aminin n’yo, pag nakita n’yo si Piolo, napaka-perfect ng face. Ang perfect talaga!” say niyang kinikilig-kilig pa.

***

Oks lang kay Matt Evans na  hindi matali sa love team at paiba-iba ang kapartner. Pagkatapos ng ‘Rosalka’ kay Empress Shuck, si Bianca Manalo naman ang katambal niya sa ‘Juanita Banana.

“By nature kasi nakakatuwa  na si Bianca, so paano pa kaya kung magkasama kami, di ba? I’m sure this whole project will be a fun  experience,” sambit ni Matts.

Anyway, very proud si Matt  sa kanyang ‘banana’ pero puro girls pa lang daw ang nakakatikim.

Paano kung me bading  na gustong tikman ito?

“Mapagbigay naman ako,e! Baka sa Pasko,” natatawa  niyang sagot na nagbibiro.

Talbog!

***

Walang inggit factor  si Rodjun Cruz kung naunang nabigyan ng break ang kapatid niyang si Rayver Cruz. Happy siya kung ano ang tinatamasang career ng kanyang utol.

Pero naniniwala siya na nagbunga naman ang  paghihintay niya dahil isa siya sa leading men ni Bianca. Masaya siya  dahil worth it naman daw ang  paghihintay niya na mabigyan ng break.

Samantala, ipinagtanggol ni Rodjun si Rayver sa isyung two-timer dahil pinagsabay niya sina  Cristine Reyes at Sarah Geronimo. Hindi raw  ‘yun totoo. Mabait daw na kapatid si Rayver at  hindi nagpapa-iyak ng babae. Pinagsabihan din daw niya ito na ‘wag paakpeto sa isyu.

‘Yun na! Roldan Castro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply