Bea Alonzo, iiyak din at kay Kim Chiu ang huling halakhak

SI Bea Alonzo naman daw ang iiyak matapos na humagulgol ni Gerald Anderson noon sa paghihiwalay ng kanilang loveteam ni Kim Chiu.

Kay Kim daw ang huling halakhak ayon pa sa kampo ni Kim na iniisip ng mga ito na sinulot, inagaw at inakit ni Bea si Gerald kaya nasa kanya na ito kahit pa walang pormal na pag-amin sa dalawa.

Malelerka daw itong si Bea dahil kapag nalaman niya baka nga raw maghalo at luha at sipon nito kapag nalaman na may karibal siyang bading kay Gerald.

Gravecious to the max daw ang pagnanasa ng bading na ito na kasali dati sa talent search sa Amerika na American Idol.

Yes, isang kano o banyaga itong nagkakagusto dito kay Gerald at iniilusyon pa nga nito na magkaroon silang movie together.

Anong kayang say ni Bea dito?

Ikinalat nga raw ang lahat ng mga guwapong aktor sa Pinas at si Gerald ang natipuhan nito at pinagnanasaan ng husto talaga.

Kinabog at tinalbugan  ni Gerald ang lahat ng mga guwapong aktor sa Kapamilya, Kapuso at Kapatid.

May something daw siyang nararamdaman kay Gerald, kahit noong nag-concert pa dito ang imported na bading sa MOA ay iniilusyon na nito na makasama niya sa concert si Gerald.

Hindi naman inilihim ni Adam Lambert ang kanyang pagkatao at alam ng buong mundo na siya ay gay.

Kaya inaasahan na hindi lang si Gerald ang luluha mismo daw si Bea na nang-agaw ay iiyak din kapag nalaman na may karibal siyang bading.

IWA MOTO, MAY TRAUMA PA RIN

SA magkahiwalay na insidente sa iisang lugar ay traumatic pa rin ang byuti ni Iwa Moto at maituturing daw na pangalawang buhay na niya ito.

Kaya very thankful siya sa Itaas (Saang itaas, kesame o bubong?Anong floor? Tower ba ito?—ED)  at hindi siya pinababayaan at nandiyan siya na laging nakasubaybay.

Noon daw na magdaan sila sa Balara sa Kyusi ay talagang may bigla daw na sasakyan na humarang sa kanila at pilit silang pinabababa sa sasakyan.

At ang ikinaloka ni Iwa, ang akala niya ay katapusan na ng kanyang mundo nang tutukan sa siya ng baril sa leeg.

Nasundan pa ang pangyayari ‘yun nang muling mapadaan  sila ng kanyang bf sa Balara, Kyusi. Muli, may humarang na naman daw na isang sasakyan sa kanila at dahil nga may experience na sa pagdaan doon tumalilis at pinaharurot daw ng todo-todo at bonggang-bongga ng bf ni Iwa ang kanilang sasakyan.

Kaya, until now ay tulala pa rin itong si Iwa at nagsisisigaw daw ito kapag napapadaan sa lugar ng pinangyarihan dahilan kung bakit siya traumatic hanggang ngayon.

Panawagan naman ng kampo ni Iwa sa kinauukulan na lagyan naman daw ng ilaw ang daan dahil gravecious daw sa sobrang pagkadilim kaya expected na sa pagdaan daw sa Balara ay tiyak na may isang krimen na magaganap.

Nasa state of trauma pa rin si Iwa at ayaw na pag- usapan pa ang nangyari na insidente sa kanilang mag-dyowa sa pagdaan sa Balara sa Kyusi.

‘Yun na!

MUSKA, TODO-TODONG PASASALAMAT SA TOP

Walang pagsidlan ng tuwa ang Kaibigan Muska sa TOP sa pangunguna ni M.R.S. sa pagbibigay sa kanila ng very expensive na billboard na makikita na sa kahabaan ng EDSA.

Dream come true para sa Kaibigan Muska ang pagkakaroon ng billboard particular sa kahabaan ng EDSA.

Akala nga ng grupong Muska ay isang panaginip lang ang pagkakaroon nila ng billboard at ilan naman samembers nito ay excited at iba ang naging feeling sa pagkakita nila sa kanilang sarili na nasa billboard na.

Kung dati ay tarpaulin lang aba’y ngayon nasa billboard na ang Kaibigan Muska para sa nalalapit na 8th Children’s Power sa December 12.

Panawagan na rin ang billboard na ito sa lahat ng mga kabataan na gustong mag-join sa mas lalong pinabongga, pinaghandaan at pinaka-excited sa lahat ng Children’s Power.

Mula kay Myko Suntay at mga kasamahan sa Muska ay ipinaabot naman nila ang taos-pusong pasasalamat kay M.R.S. sa big break at support na ibinibigay nito sa Muska na ngayon ay ga-graduate na sa college.

Ang billboard ng Muska ay nasa kahabaan ng EDSA sa P. Tuazon street tapat ng SM Hypermart bago dumating ng Cubao. Jovi Lloza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply