Bello pinatutuluyan sa ‘ethics’

UMUSAD na ang ethics complaint na inihain laban kay Akbayan Rep. Walden Bello matapos tawaging kriminal si dating Pangulong Gloria Arroyo at buwaya at mga baboy naman ang mga taong nakapaligid sa kanya sa kanyang naging privilege speech.

Sa pamamagitan ng mosyon na inihain ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino sa pagdinig ng Ethics Committee kahapon, nagkaisa ang siyam na kongresista na dumalo sa pagdinig na may “substantial compliance” ang reklamong inihain ni Davao Rep. Marc Douglas Cagas laban kay Bello.

Unang sinabi ni Cagas, Antonino at Isabela Rep. Rodito Albano na kailangang umusad na ang reklamo upang mabigyan ng pagkakataon si Bello na masagot ang ethics complaint laban sa kanya.

Hindi naman nabahag ang buntot ni Bello sa pag-usad ng reklamo laban sa kanya at hindi niya umano pinagsisisihan ang mga sinabi sa plenaryo laban sa dating Pangulo, na kinatawan na ng ikalawang distrito ng Pampanga. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply