Bentahan ng botcha, talamak sa Maynila

Nangangamba ang Department of Agriculture (DA) hinggil sa talamak na bentahan ng double dead na karne o botcha kung saan pati mga naglilitson ng baboy ay puntirya na rin.

Ayon sa National Meat Inspection Service o MNIS sa pamumuno ni Director Jane Bacayu, humihingi sila ng karagdagang tulong sa ilang mga law enforcer, partikular na ang PNP upang hulihin ang mga nagbebenta ng double dead na karneng baboy na posibleng makaapekto sa kalusugan ng tao o kaya’y makamatay sanhi ng mga bacteria nito.

Napag-alaman pa, talamak ang bentahan ng botcha sa palengke ng Bluementrit, Marulas, Valenzuela, Alabang Public Market, at ang sentro ay sa Balintawak Public Market.

Hindi na rin ligtas ang Tocino at Longganisa pati ang mga nagbebebenta ng litson sa Laloma, Quezon City dahil sa ito ay mas higit na mura.

Nanawagan ng NMIS partikular  sa buong pamunuan ng NCRPO na tulungan sila sa paghuli sa mga nagbebebenta ng botcha na nagmumula sa iba’t ibang probinsiya gaya ng Bulacan, Pampanga, Cavite, Batangas at Laguna at ibinabagsak sa kalakhang maynila.

Nagsagawa rin ng random inspection ang NMIS at PNP sa ilang mga slaughter house sa buong Metro Manila na karamihan ay pawang walang mga permiso sa mga lokal na pamahalaan at sa kanilang ahensiya.

Kasalukuyang dinidinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bagong inihahaing batas upang patawan ng mabigat na parusa na  anim na buwan hanggang dalawang taon na pagkakabilanggo at pagmumulta nang hindi bababa sa P50,000 hanggang P200,000 ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng botcha. (Gaynor Bonilla)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply