Bianca Manalo, kinaiinsekyuran na

Hindi siguro matanggap ng iba riyan ang biglaang pagsikat na beauty queen turned actress na si Bianca Manalo.

Kalokah! pinalalabas ng ilang detractors ni Bianca na yumabang na raw ito at hindi nakikihalubilo sa kanyang mga co-star sa set ng Juanita Banana.

Well, ayon sa tagapagtanggol ng biyuting aktres, hindi raw totoo ang mga nasusulat sa tabloid dahil kung ano raw noon si Bianca ay hindi pa rin ito nagbabago kahit na sikat na dahil sa nagri-rate nga nitong Fantaserye.

Very humble raw ang actress at sweet ito sa kanyang mga kasamahang artista. Well, hindi kaya ang mga nang-iintirgang ito kay Bianca ay may inggit factor lang kay Juanita Banana?

By the way, tuwing napapanood namin ito ay aliw na aliw kami sa mga eksena nina Bianca at Bekemon na magkaibigan sa very entertaining na fantaserye ito. Ambilis-bilis kasing magsalita nitong si Bekemon at carry-carry naman siyang sabayan ni Bianca. Sina Matt Evans at Rodjun Cruz ang mga leading-man ng nasabing actress sa Juanita Banana na hindi lang pumapalo sa national ratings kundi sa people ratings din kung saan pinapakain nito ng alikabok sa rating games ang katapat sa GMA 7 na Yaman ni Lola.
Congrats, Juanita Banana.

***

Romnick Sarmenta P5K na lang ang talent fee

ISANG very close kay Romnick Sarmenta ang aming naka-chikahan recently. Nang kumustahin namin rito si Romnick kung ano na ang mga pinagkakaabalahan ngayon dahil hindi na ito gaanong visible sa showbiz, tahasang isiniwalat ng aming kausap na tinatamad na raw kasing mag-artista itong si Romnick, dahil binabarat na ang talent fee nito.

Naiinsulto raw ang dating sikat na Seiko star tuwing tinatawad-tawaran na parang isda ang kanyang talent fee.
At ang gusto pa raw ng ibang line producer sa pelikula at EP ng iba’t-ibang programa sa telebisyon ay gawin na lang per day ang bayad sa mister ni Harlene Bautista.

At hulaan nyo kung magkano, 5,000 lang daw bawat araw ang gustong ibayad ng mga ito kay Romnick sa bawat shooting ng pelikula at taping sa lalabasan nitong TV show. Wala na kasing nagma-manage sa career ngayon ni Sarmenta kaya’t walang nagpo-protekta sa magiging TF nito per project.

Wala si Tita Angge sa buhay ni Romnick at ang Mommy Julie nito ay matagal na ring naninirahan at nagtatrabaho sa Amerika.

Parang kuntento na raw itong si Romnick sa pagsama-sama sa kanyang Misis na si Harlene na magaling naman daw dumiskarte. Tapos, hindi naman pinabayaan ang mag-asawa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Siyempre kapatid ni Mayor Herbert si Harlene, matitiis ba naman niya ito. Kung, kami pala ang tatanungin kung deserve ni Romnick ang 5K na TF?

Ang sagot namin diyan ay hindi lalo pa’t naging big star naman noong dekada 90 ang nasabing mahusay na dramatic actor, na naging kalabtim noon ni Sheryl Cruz at boyfriend. ‘Yun na!

****

Isa, pang dapat nating batiin ay itong Eat Bulaga dahil ngayong parating na ang Kapaskuhan ay give lang sila ng give sa kanilang televiewers at kanilang mga suking live studio audience.

Sabi, nga ng nananalong “Best Male TV Host” sa katatapos lang na 24th PMPC Star Awards for Television at isa sa senior dabarkads host ng 31 years na sa ereng Eat Bulaga na si Tito Joey de Leon, “It’s better to give, than to receive kaya kami dito sa Eat Bulaga ay give lang nang give”. Bongga di ba? Naman! Nag-start ang early Christmas gift-giving ng sangkatutak na papremyo ang Bulaga last last Saturday. At magtatagal ito hanggang matapos ang Three Kings.

Ilan sa mga ipinamimigay ay cash, latest gadgets, Christmas baskets from Puregold, etc. Ganoon na rin ang pa-bonus ni Bossing Vic Sotto sa mga pakulo at portions ng programa tulad ng “Juan For All, All For Juan” Sugod-Bahay sa Barangay kung saan lahat ng mga hinaing ng ating mahihirap na kababayan ay pinauunlakan kaagad ni Bossing lalo na pagdating sa problemang pam-financial. Kudos Bossing at buong EB Dabarkads, sa mga producer nito na sina Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar. Peter S. Ledesma

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply