Bicol at Batanes nilindol

INUGA ng magnitude 6 na lindol ang Bicol kaninang madaling araw at ayon sa state Seismologist ay magkaroon pa ito ng mga aftershocks at posibleng magdulot ng pagkasira sa mga ari-arian.

Bukod dito, naitala rin ang magnitude-5.2 na lindol sa Batanes province sa Northern Luzon, pero inaasahan namang wala itong magiging danyos o kasunod na aftershock.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang unang pag-uga ng lupa ay naramdaman sa lakas na Intensity V sa ilang parte ng Albay, hanggang sa Cebu City sa Central Visayas.

Sinasabing naitala ag lindol pasado 12:41 a.m., na may epicenter na 36 km Silangan/Kanluran ng San Pascual (Burias Island) sa Masbate province, at Sibuyan Sea Fault.

Sinabi pa ng Phivolcs na ang lindol ay tectonic in origin at ang  Intensity V ay naramdaman sa Lignon Hill sa Legazpi City sa Albay; Intensity IV sa Masbate City, Sorsogon City, Irosin, Sorsogon at Sto. Domingo sa Albay; at Intensity II naman sa Cebu City.

Sa survey ng United States Geological Survey, naitala ang lindol na  magnitude 5.6, at ang epicenter ay 75 km Hilaga/Kanluran ng Masbate, Masbate; 85 km Kanluran-Timog/Kanluran ng Legazpi City; 95 km Timog ng Naga City; at 300 km Timog/Silangan ng  Manila.

Naitala ang aftershocks dakong 2:04 ng madaling-araw na may magnitude na 4.1 na sinundan ng 2:25am sa Timog/Kanluran ng San Pascual.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply