Biktima ni Peñalosa nakabawi

NAKABANGON na ang dating biktima ni world champ Gerry Peñalosa na si dating world champion Johnny Gonzalez (47-7, 41 KOs) matapos itong umiskor ng KO laban kay Santos Marimon (13-13-1, 8 KOs) sa round two sa kanilang featherweight clash.

Si Gonzalez na kasalukuyang rated #3 sa featherweight sa WBC ratings ay nagsabing nakalimutan na niya ang tinamo niyang kabiguan sa kamao ni Peñalosa.

Sa isa pang anticipated rematch, si WBC middleweight champion Sergio Martinez (46-2-2, 25 KOs) ay giniba si dating 147lb at 154lb champion Paul Williams (39-2, 27 KOs) sa kanilang sagupaan sa Boardwalk Hall sa Atlantic City, New Jersey.

Isang pasabog na left hook sa panga ang tumapos kay Williams sa round two kung saan dito ay nakita na kung sino ang mas magaling sa kanila.

Noong unang magsagupa ang dalawa ay hindi naging maganda ang resulta dahil round one lang ay parang binigla ni Martinez si Williams. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply