Bilang ng Mindanao refugees umabot na sa mahigit 500,000

PUMANGATLO ang Pilipinas sa likod ng  Burma at Indonesia sa may pinakamaraming mamamayan ang lumilikas dahil sa labanan o giyera sa kanilang mga lugar sa buong Southeast Asia nang umabot ang bilang ng refugees sa Mindanao sa mahigit 500,000.

Binanggit ni Abante Mindanao Inc. Rep. Maximo Rodriguez ang pinakahuling data mula sa United Nations kung saan ang Pilipinas ay nasa pang-40 sa buong mundo na may pinakamaraming  insidente ng “internal displacements.”

“After the breakdown of the Mindanao peace process in August and September 2008, a new round of armed conflict began,” ayon kay Rodriguez.

Aniya, nasa 500,000 katao – Muslim man o hindi – ang nawalan ng tirahan.

Nitong kalagitnaan ng nagdaang Setyembre ay nagsagawa ng emergency humanitarian relief mission ang Asia America Initiative sa Lanao del Norte, Lanao del Sur at Cotabato.

Dito ay lumitaw ang panibagong datos na nakalap ng Moro-Christian People’s Alliance (MCPA) na umabot sa 600,000 ang displaced person noong 2008 .

“This figure sums up the number of internally displaced persons from the most devastating all-out-wars in Mindanao from the state of lawlessness in Basilan in 2001 which displaced nearly 80,000, the war in Northern and Central Mindanao in 2003 which displaced some 450,000 persons, and the war in Sulu in 2005, which displaced nearly 80,000 persons,” ani Rodriguez. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply