Bilyon-pisong ‘idle funds’ ng GOCCs ipinamasak

HINIKAYAT ng isang senador ang Palasyo na gamitin ang natutulog na multi-bilyong pondo ng ilang government-owned and -controlled corporations (GOCCs) upang punan ang kakapusan ng pondo ng pamahalaan sa halip na magpataw ng panibagong buwis.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on finance sa pambansang badyet, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na kailangan magamit ng pambansang pamahalaan ang multi-bilyong pondo ng GOCCs na hindi gumagalaw upang mapasigla ang ekonomiya.

“Kung makikita lamang natin kung gaano kalaki ang pondong ito, hindi na kailangan pa natin na magpataw ng panibagong buwis,” ayon kay Drilon.

Partikular na tinukoy ni Drilon ang P100 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), P14B pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), P9B ng Development Bank of the Philippines, P18 bilyon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ilang mamahaling ari-arian ng Southern Philippines Development Authority (SPDA). Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply