Binata nagbigti sa warehouse

WINAKASAN ng isang binata ang sariling buhay matapos magbigti sa loob ng abandonadong garment warehouse, sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Niel Lamor, caretaker, ng 317 Patria st., Balut, ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO3 Amelito Lopez, dakong 4:00 ng madaling-araw, nang madiskubre ni Leon Quintana, 12, ang biktima sa loob ng warehouse, sa 2700 Buendia at Kawit sts., Brgy. 144, Zone 12, sa naturang lungsod.

Gamit ng biktima sa pagbigti ang isang kulay asul na nylon cord at nakitaan din ito ng mga sugat sa ulo at mga braso.

Sa imbestigasyon ni Lopez, huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo, dakong 10:00 ng gabi, sa loob ng kanilang bahay  ng pinsan nitong si Ibarra Rafael, subalit hindi naman ito nakitaan na may balak magpatiwakal.

Napansin lang ni Rafael na may binabasang sulat ang biktima subalit hindi naman ito nabahala kaya agad ding siyang umalis ng bahay.

Si Lamor ay inabutan ng mga imbestigador na nakahandusay sa hagdanan malapit sa ikalawang palapag ng warehouse matapos matanggal ang pagkakatali ng nylon cord sa kisame.

Dinala sa Sanctuary Funeral ang biktima para sa safekeeping at awtopsiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply