Binata patay sa hiniraman ng kawali

NASAWI ang isang binata matapos pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay na naasar sa panghihiram ng kawali, sa Caloocan City.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa dibdib si Allan Flores, 30, ng Midway Park Subd., ng nasabing lungsod.

Kusang loob naman sumuko si Joreto Blanca, 39, at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, nagkaasaran sa inuman ang biktima at suspek na naging dahilan upang umuwi na lamang sa bahay si Blanca.

Makalipas ang ilang sandali ay nagutom ang biktima at nagpunta sa bahay ng suspek upang manghiram ng kawali upang magluto.

Lalong nabuwisit ang suspek dahil naistorbo sa pamamahinga, at sa halip na kawali ang ibigay ay mga saksak ang natanggap ng biktima na naging dahilan ng kamatayan nito. Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply