Binata tinarakan ng syota ng kaaway

KRITIKAL ang isang binata matapos awayin ang isang babae at saksakin ng live-in partner nito, sa Caloocan City. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Hermino Santos, 35, ng Isla San Juan, Maypajo, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya si Vergilio Osias, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon, sa hindi pa batid na dahilan ay katalo ng biktima ang isang alyas Tisay na ka-live-in ng suspek, sa tapat ng bahay ng una. Nasa kainitan ng pagtatalo nang sumulpot ang suspek at walang salitang inundayan ng saksak ang biktima.

Matapos ang inisdente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply