Binata tinarakan sa upuan, kritikal

NASA kritikal na kalagayan ang isang binata matapos saksakin ng hindi pa nakilalang lalaki habang nakaupo sa upuan malapit sa simbahan, sa Navotas City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi saksak sa likod si Billy Manbohon, 19, ng Garcia st., Bangkulasi, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 6:30 ng gabi, nakupo ang biktima malapit sa simbahan sa Garcia st., nang mula sa likuran ay sumulpot ang suspek at sinaksak si Manbohon.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC kung saan nagsasagawa na nang follow-up operation ang pulisya.   Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply