Binatang kinuyog patay

Patay ang isang 21 anyos na binata matapos pagtulungang bugbugin ng grupo ng kalalakihan habang naglalakad sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Kelly Boy Pineda, ng 2518 T. Mapua st., ng nasabing siyudad.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang may 15 kalalakihan na may edad 15-25 anyos at nakasuot ng kulay pulang t-shirt, na tumakas matapos ang insidente. Sa report ni PO3 Giovanni Valera, dakong alas-2:55 ng madaling araw, nang naganap ang insidente sa kanto ng Antipolo at J. Abad Santos. Nauna rito, naglalakad ang biktima kasama ang isang John Ryan Ocampo at Mylene Capinding nang tumigil sa harapan ang mga suspek sakay ng isang tricycle at dalawang motorsiklo. (J. Tabangcura)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply