2 sa Caloocan todas sa bugbog, tama ng baril

Namatay ang isang binatilyo matapos bugbugin at saksakin ng walong hindi pa nakikilalang mga kabataan na nakatakip ang mga mukha sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng bugbog at saksak sa likod si Sonrex Alcoy, 15, ng Phase 10, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, kasabay na naglalakad ng biktima ang kaibigan na isang alyas Tarug nang harangin ng mga suspek na may takip sa mga mukha.

Nagawang makatakbo ni Tarug habang naiwanan ang biktima kung saan pinagtulungan bugbugin at saksakin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa ospital.

Samantala, patay ang isang binata nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad sa dilim.

Wala ng buhay nang idating sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Jovet Salonga, 18, ng Vic Farm st., Llano, Caloocan.

Sa ulat, dakong alas-2:40 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa madilim na bahagi sa Ninang Nena st., BF Homes, nang barilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala ang biktima sa ospital.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang pulisya hinggil sa nasabing insidente. (Rene Manahan)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply