Binatilyo sa Caloocan, patay sa truck

NAMATAY ang isang binatilyo matapos sumalpok ang sinasakyang tricycle sa truck sa isang intersection, sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Jonel Nuevo, 17, ng Estimada, ng naturang lungsod.

Sumuko naman sa pulisya si Villamor Canosa, 38, ng Nueva Ecija, driver ng Isuzu Giga (RKN-970).

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, sakay ang biktima sa tricycle na dala ni Jojo Tacogdoy, 20, at pagsapit sa intersection ng Lapu-Lapu st., at Dagat-dagatan avenue ay nakasalpukan ang truck na dala ni Canosa.

Tumilapon ang biktima at nagulungan ang katawan ng truck na naging dahilan upang dalhin sa TMC, habang nakaligtas naman si Tacogdoy. Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply