Binatilyo sinaksak sa sementeryo

NASAWI ang isang binatilyo nang pagtulungang bugbugin at saksakin ng grupo ng mga kabataan sa loob ng Manila North Cemetery, Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si John Kelvin Dinglasan,17, ng 175 Labo st., Brgy. Paang Bundok, La Loma, Quezon City.

Mabilis namang nagsitakas ang apat na kabataang suspek na miyembro ng M-Town Gang matapos isagawa ang krimen.

Sa report ni PO3 Giovanni Valera, dakong 11:00 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa 1st st., ng naturang sementeryo.

Nangongolekta  ang biktima kasama ang mga kaibigan nang bigla na lang sumulpot ang mga suspek at pinagdiskitahan si Dinglasan.

Dahil sa takot ay nagpulasan ang mga kaibigan ng biktima sa iba’t ibang direksyon at naiwan itong mag-isa kaya napagtulungang bugbugin hanggang masaksak sa dibdib at tagilirang bahagi ng kanyang katawan.

Agad naman ipinagbigay alam ni Ferdie Pamintuan, 14, estudyante sa outpost ng Bantay Bayan ang pangyayari subalit duguan na nang inabutan ang biktima ng mga awtoridad.

Ayon kay Inps. Armando Macaraeg, posibleng may kinalaman sa fraternity ang dahilan nang naganap na pamamaslang sa biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply