Bisor patay sa kapitbahay

Nasawi ang isang supervisor matapos barilin ng kaalitan na kapitbahay habang ito ay naglalakad, sa Caloocan City.

Dead on arrival sa District General Hospital sanhi nang tama ng bala sa tiyan si Rudy Gutierrez, 45, ng Vista Verde, Kaybiga, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya si Alfredo Fulgencio, 61, at kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, naglalakad ang biktima sa Vista Verde, nang sumulpot ang suspek at pinaputukan ito.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa DGH kung saan inaalam na ng mga otoridad ang ugat ng pamamaril. (Rene Manahan)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply