Biyahe ng 14 solons aprub kay Belmonte

LABING-APAT na kongresista ang kumpirmadong naisyuhan ng travel authority upang magtungo sa Estados Unidos at manood ng laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao bagama’t gaya ng inaasahan ay tumangging magbigay ng opisyal na listahan ang Inter-Parliamentary Relations Services (IPRS) sa mga mamamahayag.

Sinabi ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte na 26 na kongresista at pito pang VIP ang personal na inanyayahan ni Pacquiao sa Estados Unidos para sa kanyang laban kay Antonio Margarito sa Linggo sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Ayon kay Belmonte, hindi makakakuha ng kahit na sentimong travel allowance ang 14 na kongresista mula sa kaban ng Kamara.

Sariling gugol umano ng mga mambabatas, na hindi kinilala, ang biyaheng nabanggit.

“Some 14 (lawmakers) have travel authority to the US at their own expense. (They) may miss one or two sessions,” ayon sa Speaker.

Kinumpirma ito ni An Waray party-list Rep. Florencio “Bem” Noel, chairman ng House committee on accounts, sa pagsasabing wala siyang inisyung pondo para sa biyaheng ito ng mga kongresista.

“The House will not extend any allowance for their travel. The travel authority is a requirement for a travelling public official. They will be marked as absent during our session,” sinabi pa ni Noel. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply