Blood donations kontaminado ng HIV virus

NATUKLASAN na positibo sa HIV ang 124 na donasyon ng dugo sa loob ng 10 buwan.

Tinukoy ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty ang pinakahuling ulat ng Department of Health – Research Institute for Tropical Medicine.

Ibinase aniya ang ulat sa impormasyon ng National Voluntary Blood Safety Program na siyang sumusuri sa mga donasyong dugo.

Nilinaw ng kongresista na ang 124 na donasyon ay hindi nangangahulugang nagmula sa 124 donors donors dahil ang isang donor ay maaari namang makapagbigay ng mahigit sa isang yunit.

Magkagayunman, agad pinawi ni Ty ang pangamba ng publiko dahil bawat units aniya ay dumadaan naman sa masinsinang pagsusuri bago ito ipagkaloob sa isang recipient.

“Nonetheless, the increasing number of diseased blood units found betrays the menacing spread of HIV in the country,” he said . Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply