Blood donations, kontaminado nga ng HIV, hepa

KINUMPIRMA ng National Epidemiology Center (NEC) ng Department of Health ang naunang ulat na kontaminado ng mga nakakahawang sakit tulad ng HIV at hepatitis ang higit sa isandaang plastic bag ng blood donations.

Ayon kat Dr. Eric Tayag, pinuno ng NEC, dapat sana’y gagamitin para sa blood transfusion ang may 124 plastic bags ng dugo.

Ngunit, ani Tayag, napagpasyahang i-dispose na lamang ang mga ito matapos lumabas sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na lahat ng ito ay kontaminado.

Ang nasabing contaminated blood donations ay galing sa mga plastic bag na sinuri ng RITM mula Enero hangang Oktubre ng kasalukuyang taon.

Ngunit wala naman umanong dapat ikabahala ayon kay Tayag.

Di raw basta-basta ginagamit ang mga donasyon ng dugo dahil dumadaan muna ito sa mahigpit na screening bago payagang magamit ng mga ospital para sa kanilang mga pasyente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply