Bodega ng paputok sa Bulacan sumabog, 1 patay, 9 sugatan

ISA ang patay habang siyam ang sugatan matapos magkaroon ng pagsabog sa isang bodega ng mga paputok sa Angat town sa Bulacan, Lunes ng gabi.

Ayon sa radio report ng dzBB, naganap ang naturang pagsabog bandang 6:00 p.m. ng Lunes sa isang warehouse sa Sitio Tugatog, Marungko Village, Angat.

Ayon kay Angat town police head Chief Inspector Arwin Tadeo, nakilala ang nasawi na si Erlinda Reyes, 54, habang isinugod naman sa Norzagaray at Santa Maria ang mga sugatan na hindi pa pinapangalanan.

Nahaharap naman sa kasong criminal ang may-ari ng naturang bodega na sina Allan at Beverly Soriano, matapos lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na wala umano silang lisensya upang makapag-imbak ng mga paputok sa naturang warehouse.

Batay na rin sa inisyal na imbestigasyon, nagpuputol umano ang mga trabahador ng mga fuses ng mga paputok nang maganap ang pagsabog.

Nasira naman ang ilang mga kalapit na kabahayan na may layong 15 metro, kabilang na ang bahay ni Reyes.

Ayon sa mga residente ng naturang lugar, nakarinig umano sila ng pagputok ng kuwitis kasunod ang isang malakas na pagsabog.

Dinarayo ang lalawigan ng Bulacan dahil sa dekalidad na paputok lalo na kapag sumasapit ang Bagong Taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply