Boksing at Pulitika

Sa kahanga-hangang panalo ni Manny Paquiao kay Margarito at pagkakamit n’ya ng walong titulo sa boksing, may imposible pa kaya kay Pacman?

Ngayon, usap-usapan ang posibilidad na pwede rin maging pangulo ang Pambansang Kamao sa hinaharap. Bakit nga ba hindi?

Na kay Pacman ang lahat para pumalaot sa larangan ng pulitika. Popularidad at pagkilala sa loob at labas ng bansa. Pera. Koneksyon. Implu-wensya.. Karisma. Ito ang mga katangiang  maa-aring  pangkaraniwan sa mga  tradisyunal na pulitiko kaya’t pwedeng-pwede siyang makipag-sabayan sa marami pang trapo sa ating mahal na bayan.

Pero si Pacman ay si Pacman, Kakaiba siya kaya’t maaring magbigay din siya ng sarili at naiibang kontribusyon sa ating pulitika.  Maraming ipinamalas na katangiang si Manny bilang boksingero na sumasalalim sa isang pagkatao na kulang na kulang sa maraming pulitiko. Pagpapakumbaba.

Pakikipagkapwa-tao. Alab at Komitment na umunlad sa larangang pinasok. Kaseryosohan. Kagustuhang matuto.
Tiyaga. Disiplina.

Bagama’t  kailangan pa niyang patunayan ang kahusayan sa larangan ng serbisyo publiko bilang kongresista, ipinapakita na ni Pacman na seryoso siya sa pulitikang pinasok.

Ayon sa mga ulat, kumuha pa siya ng kurso sa pamamahala bilang paghahanda sa kongreso. Pinaghandaan din niya ng husto ang unang privelege speech at kumuha pa ng mga consultants. Pumu-punta siya sa mga sesyon ng kongreso (na siya namang dapat pero nagiging katangi-tangi  sa isang kongresong laging mahirap makakuha ng korum dahil sa dami ng uma-absent) at naghain na ng mga panukalang batas para sa serbisyong publiko sa kanyang distrito.

Si Manny Pacquiao ay natural na matalino. Siya ang sinasabi sa akademya na “organic intellectual”.
Madali siyang matuto at malakas ang kagus-tuhang magpalawak ng kaalaman at kasanayan.  Ipinakita n’ya ang pag-mamahal sa mga ka-babayan at pagmamalaki bilang isang Pilipino.  Ito ang mga binhing pwedeng paunlarin ni Manny sa larangan ng pulitika. Ito ang mga binhing magpapaunlad ng kanyang paninindigan sa iba’t-ibang usapin ng ating bayan.

At kung pag-uusapan naman ang boksing at pulitikang may paninindigan, tampok ang ipinakita ng kilalang kampeon ng boksing na si Muhammad Ali o Cassius Clay.

Hindi man siya tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno sa US,  tumindig siya at nanindigan sa mga isyung mahalaga para sa kan-yang bayan. Ipinagmalaki n’ya ang pagiging Itim, itiniguyod ang kanilang karapatan at di natakot manindigan laban sa gyera ng US sa Vietnam kahit pa makulong at matanggalan ng titulo sa boksing.

Ilang taon pa ang hihintayin ni Pacquiao bago maging kwalipi-kadong tumakbo sa pagka-pangulo.  Marami pa siyang aakyating boxing ring at haharaping laban sa masalimuot nating pulitika.

Pero hindi masamang mangarap.  Kung magiging pangulo nga si Manny, magandang isipin na gagawin n’yang punching bag ang kahirapan hanggang ito ay wakasan; bibigyan ‘nya ng upper cut ang mga nang-aapi; right hook ang mga nagsasamantala  at left hook ang lahat ng abusado.

Siya ang magiging kauna-una-hang pangulo ng Pilipinas na nagmula sa naghihirap na masa. Liza Maza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply