Boksingero knock-out sa brgy. tserman

BUGBOG-SARADO ang isang boksingero matapos pagtulungang bugbugin ng barangay chairman at mga tanod nito habang naglalakad kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Mistulang na-knock out ang biktimang si  Jun Eraham, 25, may-asawa, boksingero, ng 222 Elizondo st., Quiapo, Maynila, na nagreklamo laban kina: Brgy. Chairman Alexander Pamilosa; Vanguard Pamilosa; Arman Reyes; Allan Encontro at isang alyas “Amboy,” pawang mga residente ng Sampaloc.

Base sa salaysay ng biktima kay PO3 Henry Ligson, dakong alas-singko ng hapon nang maganap ang insidente sa harapan ng barangay chapel sa P. Paredes st. ng nasabing lungsod.

Naglalakad ang biktima patungo sa kaibigan nito upang humiram ng perang pamasahe sa pagsundo sa kapatid sa airport nang bigla siyang harangin ni Pamilosa kasama ang anak at mga tanod nito.

Nagmura ang nasabing barangay official at nagtanong kung bakit siya kinalaban nito noong nakaraang eleksiyon.

Sa puntong iyon, biglang tinadyakan ang biktima at iniutos sa mga kasama na kapkapan ito hanggang sa hinampas ng tubo sa ulo habang sapilitang kinukuha ang kanyang passport at international professional boxer license. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply