Boy Abunda takot magtayo ng foundation

NAGDIWANG ng kaarawan (Oktubre 29) si King of Talk, Boy Abunda pero isang simpleng selebrasyon lang sa kanilang bahay kasama ang mahal na ina at ng kanyang partner na si Bong Quintana.

Matagal na sa industriya si Kuya Boy pero wala tayong narinig na nagkaroon siya ng magarbong paghahanda sa kanyang kaarawan. Pero mayru’ng series of birthday celebration si Kuya Boy, ilan sa mga ito ay ang   isang badminton tournament naman nu’ng Oktubre 27 na dinaluhan ng ilang showbiz and non-showbiz personalities, ang 2nd Boy Abunda Badminton Cup. Ang beneficiaries nito ay ang 10 scholars (Valedictorian and Salutatorian ’10 candidates)  mula sa iba’t ibang public high schools sa Quezon City.

Birthday wish ni Kuya Boy: “I want to be happier at malusog ang nanay.”

Hindi na mabibilang ni Kuya Boy ang kanyang product endorsements mula sa  sabong panlaba hanggang sa isang healthy drink na gagawin niya this coming November 8.

Very blessed si Kuya Boy  at  namumuhay sa simpleng buhay.

“I don’t have everything but I have enough!” ang makahulugang turan  ng  host ng “The Buzz”, “SNN (Showbiz News Ngayon”, “Bottomline With Boy Abunda” at “Inside the Cinema”.

Ilang taon na si Kuya Boy? “Ibalato n’yo na lang. I’m comfortable with my age.”

****

Mayru’n na ba siyang foundation?

Wala pa raw dahil natatakot siyang magkaroon nito baka hindi niya ma-sustain. Pero naniniwala siya sa kahalagahan nito kaya nais niyang ipagpatayo ng foundation ang kanyang namayapang ama, ang The Eugenio Abunda, Sr. Foundation.

Samantala, in their 27 fruitful years nang pagsasama nina Kuya Boy at  Bong, maligaya ang kanilang partnership.

Wala bang planong mag-ampon ng bata si Kuya Boy?

Gusto niya rin pero hindi alam kung kailan. Kung talagang gusto ng Panginoon darating din ‘yun. Kahit babae man o lalaki.

OooO

Sa “Face to Face” ngayong Miyerkules, November 3, tungkol sa drama ng magkakapatid, “Tutol ang mga utol ko sa tomboy na jowa ko!”. Ang Trio Tagapayo ay sina  Atty. Persida Acosta, Dr. Camille Garcia at Fr. Sonny Merida

“Nag-stokwa dahil deadma ang ina” ang episode sa Huwebes, Isang madamdaming drama at family reunion.  Sina Atty. Persida Acosta, Dr. Camille Garcia at Fr. Sonny Merida ang Trio Tagapayo at sa Biyernes,
“Inagaw na jowa, ayaw ng ex na mapariwara”. Trio Tagapayo ay sina Atty. Benedicto Acosta, Jr., Dr. Camille Garcia at Fr. Sonny Merida.

Ang “Face to Face” ay hosted ni Amy Perez sa TV5. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply