Bulkang Bulusan kalmado sa loob ng 24 oras

NANATILING kalmado ang aktibidad ng Bulkang Bulusan sa loob ng 24 oras matapos ang malakas na pagbuga ng abo nito noong Linggo.

Ayon sa pinakabagong monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), humina ang steaming sa bunganga ng bulkan at wala ring naitalang volcanic earthquake sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras.

Iginiit naman ni Phivolcs Supervising Science Research Specialist Julio Sabit na hindi ito nangangahulugang patapos na ang pag-aalburuto ng bulkan dahil batay sa mga aktibidad nito sa mga nakaraang taon, matagal pa bago ito tuluyang manahimik.

Sinabi naman ni Office of Civil Defense (OCD) Region V Director Bernardo Alejandro, patuloy nilang isasagawa ang pagpapalikas sa mga residente malapit sa bulkan tuwing gabi at pababalikin na lamang ang mga ito sa umaga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply