Bulusan Volcano, muling nagbuga ng abo

MATAPOS ang pananahimik, muling nagbuga ng abo ang Bulusan Volcano sa Bicol na kumalat sa apat na barangay ng  Irosin sa Sorsogon, Martes ng madaling araw.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum Jr, bandang 12:05 a.m., Martes, nang muling magbuga ng abo ang naturang bulkan.
“Yung pagbagsak ng abo ay sa ibang barangay ng Irosin, sa Bolos, Gulang-Gulang, Tinampo at Monbon,” ayon kay Solidum sa report ng dwIZ.
Dagdag pa ni Solidum, nagtagal nang apat na minuto at 30 segundo ang naturang pagbuga . Hindi pa masukat kung anong taas ng naganap na pagbuga dahil sa madilim na lugar.
Dagdag pa ni Solidum, maitatalang isa ito sa malakas na pagbuga ng naturang bulkan.
Nabatid naman sa report ng dzBB, umaga ng Martes nang makarinig umano ang mga residente malapit sa naturang lugar ng tunog ng pagdagundong at naramdaman nila ang paggalaw ng lupa bago ang pagbuga ng abo.
Lumikas naman ang mga residente na maaapektuhan ng naturang pagbuga dala ang ilang mga gamit na magagamit nila sa mga evacuation centers.
Diin pa ni Solidum, kahit posibleng magkaroon ng major eruption, wala namang senyales na sasabog na ito.
“We have not seen magma come up so we have yet to see signs of a major or dangerous eruption,” ayon pa kay Solidum.
Hindi rin umano kailangang dagdagan pa ang four-kilometer permanent danger zone.
Ayon kay Phivolcs resident volcanolgist Ed Laguerta, masusi nilang binabantayan ang posibleng pagdaloy ng lahar.
Dagdag naman ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagbabanta pa rin ang pag-ulan sa naturang lugar.
“Maulan pa rin lalo sa eastern part ng bansa, kabilang ang Sorsogon kung saan naroon ang Bulusan, “ayon kay PAGASA forecaster Elvie Enriquez sa interview nito sa dzBB radio.
Ayon sa PAGASA’ sa kanilang  5 a.m. bulletin nang Martes, isang low-pressure area ang nagbabanta sa Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
“The whole country will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy skies with widespread rains over Eastern Luzon which may trigger flashfloods and landslides,”ayon pa kay Enriquez.
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply