Bulusan Volcano, muling nagbuga ng abo

MATAPOS ang pananahimik ng dalawang araw, muli na namang nagbuga ng abo ang Bulusan Volcano sa Sorsogon province sa Bicol Region na may 500 meters ang taas , bandang 6:00 ng umaga ng Biyernes.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum Jr., kumalat ang naturang abo sa mga barangay sa southwest sa Irosin town.

“Meron na namang steam-generated ash explosion, may pagbuga ng abo at usok. Mga 500 meters ang estimated height at ang abo pinapadpad ng hangin papunta southwest sa ibang barangay ng Irosin,” Ayon pa kay Solidum sa panayam sa dzBB.

Dagdag pa ni Solidum, naitala ang naturang pagbuga ng abo bandang 6:59 a.m. na inaasahang masusundan pa sa mga susunod na linggo.

Ayon pa kay Solidum, ang naturang pagbuga ay mas mahina kumpara sa pagbuga noong Martes na umabot sa 800 meters hanggang isang kilometro ang taas.

“Ito [ay] inaasahan natin… nasabi nating posibleng magkaroon ng ganitong pagsabog dahil napapakulo ang tubig ng init ng Bulusan,” dagdag pa nito.

Wala naman umanong indikasyon na magbubuga na ng lava ang naturang bulkan sa ngayon.

“Walang bagong material sa ilalim, walang magma”.

Samantala, nagbigay na ng travel advisory ang Department of Tourism sa kanilang  website na ipinagbabawal na ang mountain-climbing at iba pang tourism activity sa may 4-km permanent danger zone.

“The Department of Tourism, Region V therefore reiterates off-limits within the 4 kilometers of the summit declared Permanent Danger Zone (PDZ)to human activity, prohibiting mountain climbing and other tourism promotion activity inside the declared danger zone of Bulusan Volcano,” ayon naman kay Bicol tourism regional director Maria Ravanilla sa isang advisory noong Nobyembre 8.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply