Prangkisa ng bus operators maaaring makansela

NAPIPINTONG makansela ang prankisa ng mga bus operator na sumali sa tigil-pasada noong Lunes kung hindi makakapagpaliwanag sa loob ng tatlong araw.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Member Atty. Manuel Iway, papatawan nila ng automatic cancellation ng prangkisa ang mga kompanya ng bus na kanilang pinadalhan ng show cause order kapag hindi nakapagpaliwanag ang mga ito hanggang sa itinakdang deadline sa Lunes, alas singko ng hapon.

Napag-alamang nasa 30 kumpanya ng bus ang pinadalhan ng LTFRB ng show cause order para magpaliwanag sa nangyaring tigil-pasada bilang pagtutol sa Number Coding Scheme ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sakali aniyang magpaliwanag na sa Lunes ang naturang mga kumpanya ng bus ay kaagad nilang isasalang  sa Huwebes ang lima sa mga ito.

Inihayag pa ni Iwas na sa Huwebes na rin padadalhan ng LTFRB ng show cause order ang natitira pang 50 kompanya ng bus na sinasabing lumahok din sa tigil-pasada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply