Buto sa mukha durog at utak naalog Margarito ooperahan bukas

Dahil sa tindi ng inabot na matitinding suntok mula kay WBC super welterweight champion Manny Pacquiao, isasailalim ngayon sa operasyon si dating three-time world champion Antonio Margarito dahil sa basag na buto sa mukha at posibleng blood clot sa utak.

Sinasabing nagtamo ng tinatawag na orbital bone fracture ang tinaguriang “Tijuana Tornado” boxer at kinailangang manatili sa ospital at dahil sa tindi ng tinamong suntok sa ulo at mukha, pinapangambahang baka may blood clot din ito sa utak.

Sinabi ni Top Rank President Bob Arum, posibleng sumailalim sa surgery si Margarito sa Martes.

Nauna rito, matapos ang 12 round lopsided victory ni Pacquiao ay agad na idineretso sa ospital si Margarito para ipa-eksamin ang mukha at mga mata na halos sarado na matapos ang laban.

“Masama ang naging tama ni Margarito dahil dapat ay Round 8 pa lang ay pinigil na ang laban subalit pinilit pa rin ni Margarito na ituloy dahil umaasang makababato siya ng isang lucky punch na maaring makapagpabagsak sa Pambansang kamao.

Subalit dahil sa bilis ng kilos ni Pacman ay hindi niya ito mahuli at ginawa lang siya nitong punching bag sa loob ng ring na nagbigay sa kanya ng kanyang pang-walong titulo via unanimous decision.

Sa ngayon, under observation pa rin si Margarito ng mga doktor upang masiguro na wala itong naging pinsala sa utak bukod sa kanyang tama sa mukha.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply