Call center agents mag-aalsa

Hindi malayong magkaroon ng labor revolts ang libo-libong call center agents kapag hindi naresolba ang pang-aagrabiyado ng kanilang mga employers.

Dahil dito tiniyak ng isang senador na palalakasin pa ng Senado ang karapatang-paggawa ng mga call center agents kabilang ang lahat ng manggagawa sa Business Processing Outsourcing (BPO) matapos dumami ang reklamo sa kanilang benepisyo.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na kailangan magkaroon ng hiwalay na batas para sa proteksiyon ng call center agents dahil kakaiba ang working environment ng kanilang hanapbuhay.

“Legislators should study how our laws can adapt to this relatively new industry. Amendments in the Labor Code or an entirely different and separate law should be considered so as to protect the rights of call center agents because of their unique work environment,” ayon kay Santiago.

Ipinaliwanag pa ni Santiago na kailangan maisakatuparan ang naturang panukala upang makapantay naman ang call center agents sa insentibong ibinibigay ng pamahalaan sa BPO industry bukod pa sa nakatutulong sila sa paghahasa ng English language, naitataguyod pa nila ang information technology education at pagbabawas sa kawalan ng hanapbuhay.

“Habang nakukuha ng mga kompanyang ito ang ilang benepisyo, dapat protektahan ang karapatan ng call center employees,” giit ni Santiago.

Sinabi pa ng senador na nakatatanggap ng reklamo ang kanyang opisina hinggil sa malawakan  at lantarang paglabag sa karapatang-paggawa ng call center industry kabilang ang   contractualization, union busting, di-makatuwirang metric evaluations, sapilitang overtime at holiday work, at mahabang oras ng pagtatrabaho.  Natukoy din na tumataas ang reklamo sa attrition rate sa BPO industry. (Ernie Reyes)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply