Campbell nagretiro na!

TULUYAN nang nagretiro si dating unified lightweight champion Nate Campbell (33-7-1, 25 KOs) kasunod ng pagtamo niya ng split decision loss kay journeyman Walter Estrada (37-13-1) noong Linggo sa Juan Manuel Marquez-Michael Katsidids HBO card sa Las Vegas.

Si Campbell ay may edad na nang sumampa ng ring at naging pro ito sa kanyang 28th birthday noong 2010.

Ginulat niya ang boxing world noong 2008 nang agawan niya ng korona si dating undefeated Juan “Baby Bull” Diaz sa Cancun, Mexico.

Nakuha niya sa laban na iyon ang IBF, WBO, at WBA lightweight titles.

Nabatid na wala nang maibibigay na magandang laban ang promoter ni Campbell na si Don King dahilan upang magpasya itong magretiro na lamang. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply