Career best 42 points ni PJ Simon

Kasunod ng impresibong panalo ng B-Meg Derby Ace kontra sa Tropang Texters, 104-97, noong Nobyembre 5 tinuhog ng Llamados ang kakabit na panalo 102-97 laban sa Air21 Express sa Araneta Coliseum.

Si Peter Jun Simon ay tinanghal na best player of the game at nagbida sa itinalang career high na 42 puntos.

Kumana si Simon ng kahanga-hangang 13 sa 15 two-points shooting, 2 triples sa 4 na tira at 18 sa bonus freethrows.

Sa pagwawagi ay umangat ang Llamados sa pang-anim na puwesto sa 10-team composition (3-5) kapantay ng Powerade Tigers at ng Air21 Express.

Labis ang kasiyahan ni coach Jorge Gallent sa nilaro ni Simon at ni James Yap na pumutok ng 16 at sa matatag na depensa ng koponan laban sa inaalat na mga bata ni coach Yeng Guiao.

Ang no.2 draftee na si Rabeh Al-Hussaini ang naging high-scorer ng Express sa ibinuslong 25 na dinagdagan nina Ryan Buenafe ng 14 at tig-12 nina Wynne Arboleda at Wesley Gonzales.

Dinurog naman ng Alaska Aces ang Powerade Tigers 96-67 sa main game sa double figure production ng apat na player ni coach Tim Cone na sina Cyrus Baguio, Joe Devance, LA Tenorio at Bonbon Custodio.

Muling sasabak ngayon sa Big Dome ang Derby Ace kontra Powerade Tigers habang sisikaping panatilihin ng San Miguel ang kapit sa ibabaw laban sa Barako Bull Energy Boosters. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply