Caregiver program sa Canada, pinulaan ng Pinoy group

NAKIISA kamakailan ang mga organisasyong Pilipino sa naganap na province-wide strike sa Quebec ukol sa kalagayan ng mga Filipino live-in caregivers sa nasabing probinsiya sa Canada.

Ayon sa Philippine Women Center (PWC) of Quebec, lubos na paghihirap ang dinaranas ng mga Filipina caregiver sa probinsiya dahilan sa Live-In-Caregiver Program (LCP) ng Canadian government.

“After 50 years of history in Canada, our women are still being streamed into low-paying and often dangerous jobs,” anang grupo sa isang pahayag kamakailan.

Ayon sa PWC, 96 porsyento ng mga pumapasok sa LCP ay mga Pilipina na highly educated at highly skilled.

Anang grupo, ang pagpapatuloy ng LCP sa bansa ay tanda ng kawalang kakayahan ng Canadian government na isulong ang isang standardized childcare program na pangangailangan ng bawat pamilya sa nasabing bansa.

“Canada needs to find a just solution to the nursing/childcare crisis that is sweeping the nation. Due to the intensifying demands of globalization, Canada is using the LCP as a cheap de facto to this crisis since a universal childcare program does not benefit the imperialist agenda for profit,” anang PWC. Soledad Montes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply